Lagi kong itataas,
Bandila ng Pilipinas
Saan mang sulok ng mundo
Iwawagayway ko ito.
Kahit saan, kahit kailan
Basta't kung para sa bayan
Buhay ko ay ilalaan
Sa lupa kong sinilangan.
Refrain:
Pilipino, Pilipino, Pilipino
Ang lahi ko. (3X)
Sumigaw ang Pinoy..HOY!!
Ang lahat ng Pinoy...HOY!!
Ang lahi ng Pinoy sa mundo
Pilipino!
Lagi kong isisigaw
Mabuhay ang Pilipinas
Ang bayan na pinagmulan
Kaya ako ay malakas
Dugong bayani ay taglay
Ang syang nalalalaytay
Sa nag aalab kong kamay
Pag sumuntok todo bigay
(Repeat Refrain)
Sumigaw ang Pinoy..HOY!!
Ang lahat ng Pinoy...HOY!!
Ang lahi ng Pinoy sa mundo
(Repeat Refrain)
Sumigaw ang Pinoy..HOY!!
Ang lahat ng Pinoy...HOY!!
Ang lahi ng Pinoy sa mundo
(Repeat Refrain)
Pilipino, Pilipino, Pilipinooooo AKO!
Uploaded in YouTube by: ggreggjr, April 22, 2009